Vintage bomb nahukay sa Pasay

NAHUKAY ng mga tauhan ng mga tauhan ng engineering office ang isang vintage bomb habang itinatayo ang proyektong street post sa isang barangay sa Pasay City kahapon ng umaga.

Ang naturang bomba ay agad sinuri ni PSI Alexander Rodrigo hepe ng SWAT-EOD ng Pasay City Police na isang 75-RR Projective Bomb na gamit pa noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Sa pagsisiyasat ni SPO4 Baltazar San Agustin ng Special Weapon and Tactic(SWAT), maaaring sumabog anumang oras sa kinatagpuan nito kapag napalo ito ng isang matigas na bagay ang pinaka-dulo ng pin ng nasabing bomba.

Nabatid na dakong alas:9:55 ng umaga ng mahukay ito sa kanal ni Drixille Villaruel, 21 anyos, binata, isang tubero, para pagtayuan ng poste na proyekto ng Brgy.13 Zone-4 sa 2219 FB Harrison St. ng naturang lungsod.

Ayon kay PSI Rodrigo hepe ng SWAT-EOD ang bomba ay nasa pangangalaga na ng SWAT-EOD.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply