VK ni Louie Laxamana at ‘3rd SONA’ ni PNoy

UNAWA natin kung bakit sa pag-upong pag-upo pa lang ni PNoy at sa kanyang unang SONA (State Of the Nation Address) ay binanatan na agad niya si GMA.

Siyempre, hindi pa alam ni PNoy kung paano at saan hihilahin ang ‘Pinas, kaya wala siyang inilatag sa sambayanan maliban sa isang minutong matuwid na daan at isang oras na banat!

Matinding palakpak dahil napakaraming Pinoy ang nasusuka noon sa mga katarantaduhan nina GMA.

Pangalawang SONA ni PNoy, isang minutong “matuwid na daan” na naman at nasa dalawang oras na batikos na naman kina GMA at sa mga kampon ng dating administrasyon ni GMA.

Sa muli ay inunawa natin si PNoy dahil maaring stressed lamang siya kaya hindi masyadong nakapagtrabaho sa dami nga naman ng inabutan niyang katarantaduhan nina GMA.

Kaya medyo inaliw muna ni PNoy ang sarili sa pamamagitan ng larong “Dota.”

Pero rito, parekoy, sa pangatlong SONA na kanyang ilalahad sa Lunes ay hindi na siya mauunawaan ng sambayanan kung magtatalak na naman ng ukol sa “matuwid na daan” at muling manghahalibas ng mga katarantaduhan nang nakaraang termino ni “Limahong.”

Sana naman ay sasabihin na ni PNoy ang mga kabutihang nagawa habang siya ay nasa Palasyo, (kung anong level na niya sa Dota. Hehehe) at kung ilang “kwitis” na ba ang inihanda niya na gagamitin natin laban sa bansang Tsina!

-o0o-

NAGPUPUYOS raw sa galit si Pampanga Provincial Dir. Ed Tinio nang mabasa ang aking kolum hinggil sa VK (video karera) ni Louie Laxamana na naglipana sa Apalit, Guagua, Mexico, Mabalacat, San Fernando at Angeles City.

Bakit, Col. Tinio, hindi ba totoong “patong” ka sa nasabing operasyon ng iligal na sugal ni double L?

Ano ang ipinuputok ng butse mo?

Isa lang ang dapat mong gawin, kernel, para mapatunayang hindi ka patong . . .

Ipahuli mo! Pwe!!!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 6-7am). Para sa inyong reaction: 09098992775

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply