Walang hanggang pag-ibig-2

PATULOY sa pagdami ang mga pasyente ng Bo Ai Medical Group, Guangzhou, China dahil kumakalat ang husay ng pagamutang ito na mapahaba ang buhay ng pasyente at bawasan kung hindi man matanggal nang tuluyan ang sakit na pinagdaraanan nito dahil sa sakit na kanser.

Walang hanggang pag-ibig (Love without border) ang nais na ihandog ng Bo Ai Medical Group sa mga pasyente nito dahil ito ang mismong kahulugan ng sa-litang Bo Ai.

Ang mga doktor at empleyado nito ay pawang may puso sa mga pasyente kaya nga maasikaso ang mga ito sa kapwa pasyente at pamilya nito.

Bukas naman ang Bo Ai Medical Group sa mga Filipino (lalo na ang mga doktor) na nais magtrabaho sa kanilang kompanya kaya lang hiling ng mga ito ang kanilang katapatan.

Oo nga naman dahil ang mga doktor dito sa Pilipinas ay nagtatrabaho hindi lang sa iisang ospital kundi sa mahigit pa sa dalawa bukod pa sa may sarili silang clinic kaya naman madalas sa hindi ay naghihintay ang mga pasyente sa kanila.

Kahit naman sa mga pam-publikong pagamutan ay may mga doktor na nagtatrabaho pa rin sa pribado kaya naman kapag oras ng operasyon ay mas gusto nilang sa pribado nagtutungo ang pasyente para na rin may kita sila.

Ito ang kaibahan ng Bo Ai Medical Group sa mga pagamutan sa ating bansa dahil sila ay dedikado sa kanilang trabaho. Hindi puwede ang raket at sideline sa ibang pagamutan dahil nga naman hindi nila mabibigyan ng sapat na oras ang pagtingin at pag-aaruga sa kanilang mga pasyente.

Maisip sana ng gobyerno na maghigpit sa mga doktor sa pampublikong pagamutan na huwag silang mag-sideline sa mga pribadong ospital dahil nasa-sakripisyo ang uri ng kanilang serbisyo sa mga mahihirap na mamamayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply