Walang hanggang pag-ibig

KILALA ang mga Pinoy sa pagiging maayos sa pagtanggap (hospitable) ng mga bisita na nagtutungo sa ating tahanan o bansa kaya nga dinarayo hindi lang dahil sa ating mga naggagandahang kalikasan at pasyalan kundi maging sa ating mamamayan.

Pero teka, maging ang mga Tsino ay maayos ang pakikiharap at pakikitungo sa grupo ng reporters mula sa Pilipinas na nagtungo sa Guangzhou, China upang alamin ang katotohanan ukol sa ipinagmamalaki nilang husay sa paggamot ng kanser maging ito ay middle o advance stage na.

Ilang Pinoy na nagpapagamot sa Modern Hospital Guangzhou na kilala sa husay sa paggamot ng kanser na walong operasyon ang nakapanayam ng grupo ng mga mamamahayag at sila mismo ang nagpatunay ng husay ng pinaghalong teknolohiya at medisina ng nasabing pagamutan.

Mismong sa bibig ng pamilya ng pasyente nanggaling na sulit daw ang gagastusin sa pagpapagamot sa alinmang pagamutan na nasa ilalim ng BoAi Medical Group dahil bukod sa hindi naman totoong mahal ay maganda ang pag-aarugang ibinibigay sa pasyente at kasama nito sa pagtungo sa China upang magpagamot.

Maging ang kasamang pamilya ng pasyente ay isinasailalim sa general medical check-up ng pagamutan na hindi ginagawa ng mga kilalang pribadong ospital sa Pilipinas dahil batid nila na napakamahal ng check-up na ito kung ililibre pa nila.

Meron ding mga tour guide ang kompanyang BoAi Medical Group na nagpapasyal sa turistang pasyente at kasama nito sa magagandang lugar, tanawin at kainan sa China.

Bigtime sa laki ng puso ang mga namamahala at empleyado ng BoAi Medical Group dahil kapag inabot ang pasyente ng kanyang kaarawan habang sumasailalim sa gamutan ng kanser  ay nagbibigay sila ng party na sagot ni-la ang gastos. Sa madaling salita, libre ang pagkain at kasayahan. May ganito ba sa Pilipinas?

Lalo tayong hahanga kapag nagpakain sila ay parang fiesta sa dami ng inihahaing putahe sa hapag na ang kaibahan lang ay pawang healthy food. Kung meron mang mga lechon ay tama lang ang dami.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply