Warrant of arrest vs GMA malabo pa

MALABO ng makapagpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan ngayong araw para sa kasong plunder na inihain laban kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Tiniyak ito ngayon ni Sandiganbayan Spokesman Renato Bocar matapos payagang makapagpiyansa si Arroyo sa kasong electoral sabotage.

Ipinaliwanag ni Bocar na bukas pa lang ng umaga nakatakdang dinggin ng First Division ang petisyon ng mga abogado ni Arroyo na ipagpaliban muna ang alinmang pagdinig sa kaso at huwag munang mag-isyu ng warrant of arrest.

Nauna ng umapela ang kampo ni Arroyo sa Sandiganbayan na ibalik sa Ombudsman ang kasong plunder dahil hindi raw sila nabigyan ng pagkakataon ng Ombudsman na makapaghain ng motion for reconsideration at maipaliwanag ang kanilang panig.

Si Arroyo at iba pang dating mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay una nang kinasuhan ng Ombudsman dahil sa umano’y iregularidad sa paggamit ng intelligence fund ng kanilang tanggapan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply