Water level sa Binga, Ambuklao Dam, tumaas

DAHIL sa pagtaas ng water level nagbukas na ng mga gate ang Binga at Ambuklao Dam.

Ayon sa dam monitoring ng Hydromet Division ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), 6 na gate na may tig-walong (8) metro ang nakabukas sa  Binga Dam.

Umabot na sa 575.40 meters ang lebel ng tubig sa dam, mas mataas sanormal high o spilling level na 575 meters.

Nakabukas naman ng tig-pitong (7) metro ang apat na gate ng Ambukalo Dam matapos umabot sa 752.06 meters ang lebel ng tubig nito, mas mataas sa spilling level na 752 meters.

Lagpas na rin sa spilling level ang tubig sa Magat dam na nasa 190.41 meters na ito, lagpas sa 190 meters na spilling level.

Sinabi ni Sonia Serrano ng Hydromet Division ng PAGASA na kung magpapatuloy ang paghina ng ulan ay posibleng hindi na magpakawala ng tubig ang naturang dam.

Patuloy naman ang pagbaba ng tubig sa iba pang dam at mas mababa na ang antas ng tubig ng mga ito sa kanilang normal high o spilling level.

Bumaba na ng 39 centimeters ang tubig sa Ipo Dam na nasa 100.27 meters na ito, mas mababa sa spilling level na 100.80 meters.

Mas mababa naman ng 10 sentimetro ang lebel ng tubig sa La Mesa dam na nasa 79.75 meters na bahagyang mas mababa sa 80.15 meters na spilling level.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply