Weather forecaster sa bansa nag-aalisan

KAKULANGAN sa banepisyo ang pangunahing dahilan ng pagkaubos ng weather forecaster sa bansa.

Ito ang paniniwala ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) Weathermen Employees Association President Ramon Agustin.

Ayon kay Agustin, hindi dapat magtaka kung bakit unti-unting nauubos at nangingibang bansa ang ilan sa kanyang mga kasamahang weather forecaster.

Sinabi ni Agustin, simula pa nitong Marao ay hindi na ibinibigay sa kanila ang mga benepisyong nakapaloob sa Magna Carta for Science and Technology Employees.

Kabilang dito ang substance allowance na P160 kada araw at hazard pay na 15% ng kanilang suweldo at longevity pay.

Himutok pa ni Agustin, nasa P3,000 hanggang P4,000 lang kada buwan ang naiuuwing sahod ng mga empleyado ng PAGASA.

Sentimiyento pa nito, aanhin pa ng gobyerno ang modernisasyon sa ahensya, kung unti-unti namang nauubos ang mga wearther expert.

Matatandaang sa loob ng 10 taon, 22 empleyado ng PAGASA ang nangibang bansa dahil ‘di hamak na mas malaki ang offer sa pinasukang trabaho.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply