Welder nahulog sa cargo vessel patay

PATAY ang 53-anyos na welder leadman nang mahulog sa 40 piye ang taas na cargo vessel habang nagmamando sa ibang welder na nagkukumpuni ng barko sa Pier 8, North Harbor sa Tondo, Manila kagabi.

Kinilala ang biktima na si Renato Osorio.

Sa report, alas-11:10 ng gabi nang maganap ang insidente sa hatch no.1 ng cargo vessel na MV/Solid Link sa Pier 8, nasabing lugar.

Nabatid sa ulat ng pulisya na habang kinukumpuni ng mga welder ang nasabing barko at minamanduhan ni Osorio ay bigla na lamang itong nahulog.

Nabatid na unang dumaing ng sakit ng mata si Osorio na hinalang dahilan ng kanyang pagkahilo at pagkawala ng panimbang hanggang sa tuluyang mahulog sa barko.

Iniimbestigahan pa kung may foul play sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply