White sand, corals tangkang ipuslit sa Bora

NASABAT ng Office of the Transportation for Security sa Caticlan airport sa Malay, Aklan ang may 80 kilo ng white sand, mga corals at pebbles  mula sa isla ng Boracay.

Nabatid na bago pa makasakay ng eroplano patungo sana ng Metro Manila ang ilang mga pasahero ay nakuha sa mga ito ang mga buhangin at corals na nakalagay sa plastic na gagawin sanang souvenir.

Mahigpit na ipinagbababawal sa isla ang pagdadala o pagbibiyahe ng mga corals palabas ng Boracay alinsunod sa Malay Municipal Ordinance No. 2001-14.

Nasa pag-iingat na ang mga nakumpiskang buhangin, corals at pebbles kay Boracay Island Operations Officer Glenn Sacapaño na agad namang ibinalik ang mga ito sa beachfront.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply