Wikang Filipino, gagamitin ni PNoy sa SONA

ILALAHAD sa wikang Fillipino ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang talumpati para sa kanyang ikatlong State Of the Nation Address (SONA) na idaraos sa Lunes (Hulyo 23) sa Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon.

Nakiusap naman si Presidential spokesman Edwin Lacierda sa sambayanan Filipino na huwag mainip sa kung anu-ano ang mga ilalahad ng Pangulong Aquino sa kanyang SONA.

Dalawang tulog na lamang aniya at malalaman na ng sambayang Filipino ang nilalaman ng SONA ng Pangulo.

“And rather than speculate, it’s two more days left, So can I ask the public to be patient and in due time the President will deliver his State of the Nation Address,” anito.

Sa halip na magbigay pa ng karagdagang detalye sa magiging talumpati ng Pangulong Aquino ay inilahad na lamang ni Sec. Lacierda ang magiging tema ng talumpati nito.

“‘Yung theme po mismo ‘yung schematic emphasis po we’ll just wait for the President to deliver it,” ani LAcierda.

Sinabi rin ni Lacierda na subsob ang ulo ni Pangulong Aquino sa pagrepaso ng kanyang magiging talumpati sa SONA kaya’t ngayong araw ay magpapahinga ito.

Gayunman, tiniyak ni Lacierda na naka-monitor ang Pangulo sa sitwasyon ngayon dahil sa bagyong Ferdie.

Kaugnay pa rin ng SONA, walang magiging dress rehearsal si Pangulong Aquino katulad noong nakalipas na taon, ayon kay Lacierda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply