Yellow Lane Ordinance, inalmahan

NAUWI sa pagsisikip ng daloy ng trapiko ang patuloy na paghihigpit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa yellow lane policy sa mga bus sa EDSA at pagbabawal sa mga bus na dumaan sa mga flyover at tunnel.

Uminit tuloy ang ulo ng ilang driver at pasahero nang ipagbabawal sa mga bus na dumaan sa mga flyover.

Iginiit ni  MMDA Chairman Francis Tolentino na dapat sundin ang umaiiral na batas kaugnay ng usapin sa Yellow Lane Ordinace at pagbabawal sa mga bus na dumaan sa mga flyover at underpass.

Pinanindigan si Tolentino na ipinatutupad lamang nila ang ordinansang matagal nang nakabinbin at hindi naipatutupad noon.

Samantala, hiniling naman ni Tolentino sa publiko at motorista na unawain ang ginagawa ng kanilang ahensya na pagpapatupad sa nasabing batas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply