Yellow warning inisyu ng PAGASA sa MM dahil sa patuloy na pag-ulan

NAGLABAS na ng Yellow Warning signal ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong umaga dahil sa magdamag na pag-ulan sa Metro Manila.

Ayon sa PAGASA Twitter page nito kaninang alas-7:00 ng umaga ay nakapagtala sila ng 7 millimeter per hour na tubig ulan sa Sangley Point, Cavite at 8.4 millimeter per hour naman na tubig ulan sa Science
Garden sa Quezon City.

Umabot din sa 3.1 millimeter per hour ang tubig ulan na bumuhos sa port area sa Manila at inaasahang magpapatuloy ito sa mga susunod na oras.

Ibinabala ng PAGASA sa yellow warning signal nito dahil sa posibilidad ng pagbaha sa mga mabababang lugar at maging sa mga malalapit sa ilog.

Samantala, sinabi naman ni Bernard Punzalan, Weather Forecaster ng PAGASA sa kanilang bulletin na inilabas ng alas-5:00 ng umaga na huling namataan ang low pressure area sa 30 kilometro sa Hilaga ng Ambulong, Batangas.

Dahil  dito  maaaring magpatuloy pa ang pag-ulan sa gitna at Timog Luzon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply