Zambales inuga ng magnitude 5.3 quake

INUGA ng magnitude-5.3 na lindol ang Zambales area kaninang madaling araw. Wala namang iniulat na inisyal na danyos o kaswalidad.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na naitala ang lindol dakong alas 4:12 a.m., at ito ay tectonic in origin.

Sa kanilang inisyal na bulletin, sinabi ng Phivolcs na ang epicenter ng lindol ay natumbok na nasa 85 km timog-kanluran ng Iba town sa Zambales.

Hindi naman agad nalaman ng Phivolcs kung alin lugar naramdaman ang lindol, at  walang inaasahang naging danyos o aftershocks.

Samantala, nasukat naman ng United States Geological Survey ang lindol na magnitude 4.9, at tantiya na ang epicenter nito ay nasa 34km kanluran timog-kanluran ng San Nicolas, Zambales, 36km kanluran timog-kanluran ng  San Narciso, Zambales, 37km kanluran-timog-kanluran ng San Felipe, Zambales, 41km kanluran ng San Antonio, Zambales, 134 km kanluran hilaga kanluran ng  Manila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply