Zsa-Zsa Padilla babalik na nga ba sa work?

MAY TSIKA na magbabalik-trabaho na ang singer-actress na si Zsa Zsa Padilla matapos ang mahaba-haba ring panahon na pag-aalaga sa yumaong long-time live-in partner na si Comedy King Dolphy.

Matagal-tagal ding nawala ang singer sa ASAP, kung saan isa siya sa main stay na host-singer-performer buhat nang maospital ang Hari ng Komedya hanggang sa ihatid sa huling hantungan nitong nakaraang Sunday.

Ayon sa ulat, anim na buwang magsusuot ng itim si Zsa Zsa bilang pagluluksa sa pagyao ng kanyang lovey.

Samantala, kahapon ang “pa-siyam” o ang ika-siyam na araw na pagkamatay ng Comedy King.

Balitang sama-samang nagtungo sa puntod ni Dolphy ang kanyang mga mahal sa buhay kahapon ng umaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply