​5 dam sa Luzon patuloy sa pagpapakawala ng tubig

PATULOY na nagpapakawala ng tubig ang limang pangunahing dam ssa Luzon bunsod pa rin ng naranasang pag-ulan noong isang linggo at bilang paghahanda na rin sa inaasahang pagbuhos ng ulan na idudulot ng bagyong Helen.

Base sa 6:00 a.m.  bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydro-meteorology Division, bukas ang  isang gate ng Angat makaraang  pumalo ang  tubig sa taas na 215.25 meters na mas mataas sa normal high nitong 210 meters.

Habang  dalawang gate ang nakabukas sa  Ambuklao Dam sa Benguet dahil malapit nang pumalo ang taas ng tubig nito sa normal high level nitong 752 meters na ngayon ay may  751.83 meters.

Samantala,  Binga Dam ay bukas ang dalawang kanilang dalawang gate makaraang tumaas din ang lebel ng tubig   sa 574.43 meters na malapit na sa normal hight level nitong 575 meters.

Sa San Roque Dam sa Pangasinan at sa Ipo Dam naman ay tig-isang gate ang nakabukas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply