​DOLE sa employers: Sundin ang pay rules

MULING nagpaalala ngayon ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers kaugnay sa ipinatutupad na pay rules ngayon (Agosto 27) bilang regular holiday.

Ito ay kaugnay sa naging proklamasyon ni Pangulong Noynoy Aquino bilang isang regular holiday ang Agosto 27.

Batay sa listahan ng mga holidays ngayong 2012 ng Palasyo, deklaradong holiday ang August 27 sa dahilang ang National Heroes Day ay nasa huling araw ng Linggo ng buwan ng Agosto.

Ayon sa kalihim, dapat makatanggap ang mga empleyado ng 200% o double pay sa mga magtratrabaho sa ngayong araw.

Sa itinakdang holiday pay rules ng DOLE, kung lumagpas na sa walong oras, makatatanggap ang empleyado ng karagdagang 30% ng kaniyang hourly rate.

Kung hindi naman pumasok ang isang empleyado sa nasabing araw, makakatanggap pa rin ito ng 100% ng kaniyang regular daily rate.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply