​Metro Manila muling lulubog sa tubig baha – NDRRMC

NAGBABALA ang National Disaster Risk Reduction Management Council muling lulubog ang kalakhang Maynila sa tubig baha kung hindi matutugunan ng national at local government ang isang seryosong flood control program.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction Management Council Executive Director Bgen Benito Ramos, flood control lamang ang pangunahing paraan upang huwag nang maulit ang mga pagbaha bunsod na rin umano ito ng tumataas na sea level sa buong kapuluan.

Bukod pa rito ang mga suliranin sa basura, squatting sa mga gilid ng ilog at estero na nangunguna sa paglala ng suliranin sa mga baradong ilog o mga daanan ng tubig na nagiging sanhi rin ng pagbaha.

Ayon kay Ramos:”We have to admit it, tumataas yung…  sea level. Yung level ngdagat nung pinanganak yung tatay mo ay iba na ngyaon, nag-increase na.So time will come Manila magiging below sea level, particular lang sigurado kung nag high tide e lubog tayo.”

Samantala kahit unti-unti ng humuhupa ang mga pagbaha sa Metro Manilaat mga lalawigan, mananatili pa rin sa red alert status ang tanggapan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ito ay upang magamit umano sa maraming trabaho ng gobyerno maliban pa sa ginawang rescue operation.

Inihayag pa ni  Ramos, naka-standby pa rin ang kanilang tauhan at mga resources sa mga lugar na binaha upang bigyang importansya ang clean-up operation ng ahensya.

Tiniyak ni Ramos na tuloy-tuloy ang kanilang trabaho lalo na sa paglilinis at relief assistance hanggang Lunes kasama ang Armed Forces of the Philippins, Philippine National Police, Department of Social Welfare and Development, Philippine Coast Guard, Navy at iba pang ahensya ng gobyerno.

Nabatid na Mismong ang PAGASA ang nagsabing posibleng maging isang ganap na cyclone ang pumapasok na active low pressure area sa AOR ng Pilipinas .

At sa miyerkules ay posible umanong muling ulanin at bahain ang malaking bahagi ng Metro Manila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply