1 batalyon ng mga sundalo, ipinadala sa Basilan

PARA lalo pang tumibay at lumakas ang puwersa, isang battalion ng 3rd Scout Ranger ng mga sundalo ang ipinadala sa probinsya ng Basilan.

Sinabi ni Lt. Col. Randolph Cabangbang, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (WestMinCom), ide-deploy ang isang battalion ng mga bagong lipat na sundalo sa iba’t ibang mga syudad at munisipalidad sa naturang probinsya.

Magsasama-sama sila sa tropa ng 4th at 32nd Scout Ranger Battalion kasama na rin ang tropa ng 4th Special Forces Reconnaissance Battalion na dati nang nasa Basilan.

Galing sa Bicol ang mga bagong lipat na mga sundalo at ang paglipat nila sa lugar ay parte pa rin ng kanilang tinatawag na peace ang security work.

Ipinadala ang tropa sa Basilan dahil dito mas nangangailangan ng dagdag na puwersa ng militar laban sa Abu Sayyaf group (ASG) na patuloy na nanggugulo sa lugar.

Aniya, ang patuloy na pagdagdag ng tropa ng militar sa probinsya ay bahagi ng ginagawa ng militar para pigilan ang grupo ng mga terorista sa panggugulo sa mga lugar doon.

Sinabi ni Cabangbang, na nakatuon ngayon ang kanilang operasyon sa probinsya ng Basilan dahil na rin sa sunud-sunod na pag-atake ng ASG na maliban sa mga sundalong namatay, marami na ring mga sibilyan ang nadamay.

Noong Miyerkules lamang, dalawa na namang sundalo ng Special Forces Battalion ang namatay habang tatlo naman ang sugatan sa panibagong pag-atake ng ASG sa probinsya partikular sa may munisipalidad ng Sumisip.

Siniguro naman ng militar na mas lalo nilang dadagdagan ang tropa ng mga sundalo sa probinsya hanggang hindi tumitigil ang pag-atake ng mga bandido.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply