1 pang suspek sa Maguindanao massacre, nalambat ng CIDG

NAARESTO ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isa pang suspek sa karumal dumal na Maguindanao massacre.

Si Anwar Sajid Ampatuan alyas ‘Datu Ulo’ ay natimbog ng CIDG kagabi sa isang eksklusibong subdivision sa Las Piñas City.

Kabilang Datu Ulo sa mahigit 100 kataong may warrant of arrest kaugnay na nasabing massacre.

Nakasamsam din ang ng baril at bala ang mga awtoridad sa bahay ni Datu Ulo.

Ang nakababatang Ampatuan ay apo ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. at anak naman ni dating Shariff Aguak Mayor Anwar Ampatuan na kapwa nakakulong sa Camp Bagong Diwa, Taguig.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply