1 patay, 2 nawawala sa flashflood sa Zambo Sur

PATAY ang isang lalaki habang dalawa ang nawawala at lima ang nailigtas nang anurin ng flashflood ang isang cargo truck at motorsiklo sa dalawang lugar sa Zamboanga del Sur, kahapon.

Kinumpirma ito ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos.

Hindi naman agad nakuha ang pagkakakilanlan ng nasawi.

Nabatid na lulan ang mga biktima ng cargo truck at patawid sa kalsada malapit sa Dako River sa Mahayag sa Zamboanga del Sur nang maganap ang flashflood, dakong alas-5:30 ng hapon.

Samantala, sa Tambulig, Zamboanga del Sur, dalawa katao ang nawawala nang abutin ng flashflood ang kanilang motorsiklo kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nawawala na sina Michael Suarez Dahuya at Eyen Tantan Opamin.

Patuloy naman ang panawagan ng mga awtoridad na mag-ingat. Joy Castro

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply