1 patay, 2 sugatan sa shoot-out

ISANG ang nasawi, dalawa pa ang sugatan kabilang ang isang tauhan ng Navotas police habang tatlo pa ang nadakip matapos makipagpalitan ng putok ang mga una sa mga nagrespondeng pulis Lunes ng gabi Agosto 27, sa Leongson St., Brgy. San Roque, Navotas City.

Nasawi mismo sa lugar na pinangyarihan ang suspek na si Enjoy Montuerto, 40, habang inoobserbahan naman sa Tondo Medical Center si Rolando Sabaulan, 31, may asawa, security guard, ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tinamong tama ng baril mula sa tauhan ng Navotas police.

Habang arestado naman ang mga kasamahan nito na sina Rolando Eugenio, y. Donato, 37, Ladimer Balanza, y, Magabitas, 18,at Arman Ana. Y, Soria, 29, pawang taga Brgy.San Roque ng nasabing lungsod.

Kinilala naman ang nasugatang pulis na si Po1 Rolando Cruz matapos itong tamaan ng bala sa kaliwang ribs nito. Sa kabila ng may tama nagawa pang makaganti at kanyang nabaril ang suspek na isang sekyu na si Sambulan.

Ayon sa ulat, dakong alas 11:00 ng gabi ng makatanggap ng tawag ang Navotas police mula sa residente ng Tabing Dagat San Roque hinggil sa limangna kalalakihan pawang armado ng mataas na kalibre ng baril.

Dahil sa reklamo na natamgap agad inalerto ni Supt. Florendo Quebugyen hepe ng Navotas police ang kanyang mga tauhan at agad pinuntahan nasabing lugar.

Bago pa man makarating ang mga otoridad, agad narinig ang sigaw ng isa sa suspek na “Tol mga pulis dumarating, na agad silang sinalubong ng putok na ikinasugat ni P01 Cruz.

Gumanti na ng mga putok ang pulis at dito na tinamaan at ikinamatay ni agad ni Montuero.

Narekober ng mga awtoridad sa nasabing enkuwentro ang isang 9mm caliber sa nasawi, isang kalibre 45, na may dalawang magazine kay Arman Ana at isang di pa batid na kalibre ng baril mula kay Sabaulan.

Patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng mga awtoridad at inaalam kung anong grupo kinaaniban ng mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply