1 patay, 8 natabunan sa gumuhong lupa sa Litex, QC

ISA pa lang ang nahukay habang walo pa ang pinaghahanap ng mga rescuers sa isang pamilya na nabagsakan nang gumuho ang lupa sa Bayanihan Street, Litex, Commonwealth, Quezon City.

Kabilang sa mga pinaghahanap ay mag-iina na may isang buwan na sanggol, mga anak at kaanak.

Pinilit ng mga rescuers na iresuscitate ang nahukay subalit sa bandang huli ay idineklarang na rin itong patay.

Patuloy ang ginagawang rescue operations ng mga awtoridad.

 

Lupa gumuho, 4 kabahayan natabunan

NASAGIP ang isa habang inaalam pa ng awtoridad kung may iba pang kaswalidad nang gumuho ang lupa at matabunan ang kanilang kabahayan sa kasagsagan ng walang tigil na pagulan sa Quezon City kaninang madaling araw (Agosto 7).
Isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang hindi  nakikilalang lalaki pero hindi  naman agad nalaman kung ano ang kondisyon na nito.
Sa inisyal na ulat,  na naganap ang landslide sa apat na kabahayan na malapit sa Litex Road sa Barangay Commonwealth sa Fairview area.
Rumesponde naman agad ang mga rescue teams mula sa Metropolitan Manila Development Authority, Red Cross at Army para maghanap kung may iba pang survivors, ayon pa sa ulat.
Binayo ng malakas na ulan umuhos ang Metro Manila simula pa nitong nakaraang Lunes ng gabi, at nagbabala ang state weather forecasters na ang pagulan at tatagal pa ng hanggang Miyerkules.

Samantala, patuloy pa rin ang rescue operations na isinasagawa sa Brgy. Sta. Lucia, West Fairview, Quezon City sa mga taong nasa bubungan ng kanilang bahay.

Inuuna muna irescue ang mga bata.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply