Preso ng MCJ, tinamaan ng leptospirosis

TINAMAAN ng sakit na leptospirosis ang isang preso ng Manila City jail (MCJ) dahil sa tubig baha .

Kasalukuyan ngayong ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Glen Jastiñen.

Ayon kay Jail Guard Chief Inspector Cesar Onggoco, umaabot na sa ngayon sa bilang na 3,784 mga inmates ng MCJ ang naitalang may mga ubo, sipon , diarrhea at lagnat.

Gayunman, tiniyak naman ng opisyal na may sapat silang gamot upang malunasan ang karamdaman ng mga inmates habang dinala naman sa government hospital ang may matitinding karamdaman tulad ng leptospiroris.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply