10 mangingisda nasagip ng PCG sa La Union

LA UNION – Sampung mangingisda ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Region 1 matapos nitong masalubong ang masamang panahon sa karagatan ng San Fernando, La Union.

Ayon sa report, na monitor ng lokal na PCG ang kalagayan ng mga mangingisda matapos ialarma dahil bumugso ang malalakas na alon at hangin sa kanilang pinapangisdaan.

Matapos makuha ang report, agad na sumugod ang mga tauhan ng lokal na PCG upang iligtas ang mga nasabing mangingisda.

Samantala, kinumpiska ng mga awtoridad ang mahigit na 80 kilos na mga isda na nahuli ng mga mangingisda dahil sa paglabag sa Fishery Code ng lokal na pamahalaan.

Pinagmumulta rin ng lokal na gobyerno ng P20,000 ang mga nasagip na mangingisda.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply