100 OFWs nasa death row sa ibang bansa

MAHIGIT sa 100 overseas Filipino workers (OFWs) ang nahaharap sa parusang kamatayan sa iba’t ibang bansa.

Sa paggisa ng mga kongresista sa alokasyon ng Department of Foreign Affairs, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na pinakamarami aniyang OFW na nasa death row sa China na umaabot sa 33.

Ang mga ito ay nakulong dahil sa mga kasong may kaugnayan sa droga.

Samantalang, 29 naman na OFW ang nasa death row sa Malaysia, 16 sa Riyadh, Saudi Arabia, 10 sa Jeddah at 9 na Jakarta, mayroon ding dalawa sa Kuwait, at tig-isa sa Tehran at San Francisco, California.

Siniguro naman ng DFA na hindi nila pababayaan ang mga kaso ng mga nasabing OFW na nahaharap sa death row.

Kaugnay nito, naliliitan naman ang mga kongresista sa P60 milyon na legal assistance fund ng DFA para sa susunod na taon.

Ayon kay Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan, dapat itaas ito sa P150 million upang makapagbigay ng maayos na ayuda ang DFA sa mga OFW na nasasangkot sa mga iligal na problema sa ibang mga bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply