106 naitalang patay sa Habagat – NDRRMC

INIULAT ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na nasa 106 na ang namatay dahil sa pananalasa ng Habagat.

Samantala, nananatili pa rin sa 11 ang sugatan at lima ang nawawala.

Sa pagpasok naman ng bagyong Helen sa bansa, dalawa na ang naitalang patay. Patuloy pa ring abala ang NDRRMC at iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagtutok sa pagkilos ni Helen sa bansa.

Naka-standby na ngayon ang P500,000 pondo at 2,000 packs ng relief goods na nagkakahalaga ng P1M para sa maaapektuhan ng bagyong Helen.

Ayon kay DSWD Sec. Dinky Soliman, mas maigi na ang nakahanda sa ganitong panahon habang patuloy ang kanilang isinasagawang relief distribution sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha dahil sa Habagat.

May mga naitala na ring pagbaha sa La Union at Zambales. Nagpatupad naman ng pre-emptive evacuation ang lokal na pamahalaan ng Isabela sa mga binabahang lugar sa probinsya at handa na rin ang relief goods para sa mga ililikas .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply