11 na patay sa hagupit ng Habagat

LABING ISA na ang patay at mahigit sa isang milyong katao ang naapektuhan ng walang tigil na ulan na dulot ng southweat monsoon o Hanging Habagat, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayon.

Kinilala ng NDRRMC ang mga namatay na sina Jayson Baylon, 16; Jayvee Baylon, 20; Jissele Baylon,7, at Cecilia Baylon, 50; Jonathan Castulo, 3; Junica Castulo, 3 weeks old; Jessica at Jethro Baylon at Joshua Castulo, na namatay sanhi ng landslide sa Commonwealth; Q.C., Darel Flores, 9 na nakuryente sa Pampanga; at Ariem Menes, 19, mula sa Poblacion sa Zambales na nalunod.

Umabot naman sa 267,850 pamilya o 1,230,813 katao ang naapektuhan sa Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at sa National Capital Region.

Ang displaced persons naman sa labas at sa loob ng evacuation centers, ay 163,007 pamilya o katumbas ng 783,707 katao.

Samantala, mayroon namang kabuuang 90 munisipalidad sa Ilocos, Central Luzon, Calabarzon at NCR ang naapektuhan din ng pagbaha.

Nitong alas-10 ng Martes ng gabi, mayroong 126 na kalsada ang hindi madaanan sa Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Western Visayas, Cordillera at NCR sanhi ng pagbaha.

Patuloy naman na nakabukas ang pintuan ng Ipo, Ambuklao, Binga, San Roque at Magat dam habang ang La Mesa Dam naman sa Quezon City ay nananatiling umaapaw sa 80.41 metro, na mas mataas sa spilling level nitong 80.15 metro.

Apektado naman ng pagpapakawala ng tubig ay ang San Manuel, San Nicolas, Tayug, Sta Maris, Asingan, Villasis, Alcala, Bautista, Rosales at Bayambang sa Pangasinan at maging ang Ramon, San Mateo, Aurora, Cabanatuan, Luna, Reins, Mercedes, Burgos, Naguilian at Gamu sa Isabela; Norzagaray at Hangonoy sa Bulacan.

Kaugnay nito, naglaan ang Deparment of Social Welfare and Development (DSWD) ng P12.92 milyon halaga ng relief assistance.

Nagpakalat naman ng mahigit sa 5,000 personnel mula sa military, police at coast guard para umalalay sa sitwasyon, ayon pa sa NDRRMC.

Idineklara na rin ang state of calamity sa Laguna, Bataan, Pampanga at Zambales.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply