115 congressmen dadalo sa Palace meeting ngayon

MAKIKIPAGPULONG ngayon tanghali ang mga kongresista kay Pangulong Benigno Aquino sa Malakanyang para talakayin ang kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill.

Kinumpirma ni House Majority Leader Neptali Gonzales III na dadalo ang mga kongresista sa lunch meeting na ipinatawag ng presidente.

Ayon kay Gonzales, 115 congressmen ang nagkumpirma ng kanilang attendance para sa pulong.

Nais lamang umanong ibahagi ng punong ehekutibo ang pananaw nito sa isyu ng RH bill, ayon kay Gonzales.

“Inimbitahan naman ang lahat ng miyembro ng Kamara, kasama na ang mayorya at minority. Ang Presidente, gusto niya i-share ang kaniyang pananaw tungkol sa reproductive health,” sabi ni Gonzales.

Nakatakdang desisyunan bukas, Agosto 7, ng mga kongresista kung tatapusin na ang period of debate o isasalang na sa ammendments ang RH bill at ituloy ang second reading.

Una rito, naglunsad ng prayer power rally ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa Edsa shrine at sa iba’t ibang diocese sa bansa para himukin ang mga debotong Katoliko na tutulan ang RH Bill.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply