119 kaso ng dengue naitala sa Laoag City

NAKAPAGTALA na ng bilang na 119 kaso ng dengue ang City Health Office sa Laoag City.

Ayon sa CHO, ang nasabing bilang ay mula sa buwan ng Enero hanggang Agosto 3, ngayong taon.

Dahil dito, patuloy  ang monitoring ng health office  ng lungsod  upang hindi na madagdagan pa ang nasabing bilang ng tinamaan ng naturang sakit.

Samantala, tiniyak naman ng City Health Office na wala naman naitalang nasawi sa naturang nakamamatay na sakit.

Patuloy naman ang pamamahagi ng ov-larvicidal trap upang makontra ang pagdami at paglaganap ng lamok na may dalang dengue.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply