11 patay, 24 sugatan sa karambola ng sasakyan

NASAWI ang 11 katao habang 24 na iba pa ang malubhang nasugatan sa magkahiwalay na banggaan ng mga sasakyan sa lungsod ng Davao at Zamboanga Sibugay, ayon sa ulat ng pulisya.

Ayon sa report na nakarating sa PNP Traffic Management Group na naka-base sa Camp Crame, unang naitala ang pagkamatay ng apat na tao na ikinasugat ng 24 na iba pa .

Naganap ang sakuna ng magkaroon ng head on collision ang isang passenger jeepney at isang pick-up truck sa Sitio Sta. Fina, Barangay Padre Noval, Davao City noong nakalipas na Sabado.

Nabatid na nabangga ng pick-up truck na patungo sana ng  Davao del Sur, ang kasalubong na passenger jeep ng magtangka itong mag-overtake sa isang pang sasakyan.

Patay agad ang hindi pa nakikilalang tsuper ng pick-up’ habang dalawang sakay nito ang nasa malubhang kalagayan. Tatlo naman ang namatay sa sakay ng jeep. Dinala ang mga sugatan sa Southern Philippines Medical Center.

Samantala, pito naman ang nasawi ng magbanggaan ang isang passenger van at isang truck sa bayan ng Titay sa Zamboanga Sibugay.

Sa ulat ng Zamboanga Sibugay PNP , kinilala ang mga nasawi na sina Carmela Billiones, Estarlito Despi, Sr., Diamay Espina, Delia Espina, Antonia Galantao and Joel Villamor.

Naganap ang sakuna bandang alas 10:00 ng gabi sa kahabaan ng national road na sakop ng Barangay Poblacion.

Hindi pa alam kung sino ang may kasalanan at ano ang naging dahilan ng naganap na salpukan ng dalawang sasakyan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply