12 dayuhan nailigtas ng PHL marines

NAILIGTAS ng Philippine Marines  ang 12 Malaysian nationals na lulan ng 2 sea vessel matapos na salakayin ng mga pirating hinihinalang nagmula sa Indonesia matapos silang itapon sa gitna ng dagat at magpalutang lutang sa loob ng apat na araw.

Ayon sa ylat na ipinarating sa Office of Civil Defense – National Disaster Risk Reduction Management Council mula sa punong himpilan ni Marine Col. Alexander   Balutan, Commander 1st Marine Brigade lulan ang mga biktima ng dalawang lantsa na Woodman 38 at woodman 39 mula Port of Miri, Sarawak, Malaysia.

Papunta sana ng Davao City ang mga biktima parab mag deliver ng kanilang mga kargamento ng sabatin ng mga piratan habang naglalayag sa karagatang sakop ng Indonesia at saka itinapon sa Celebes Sea.

Ayon kay Marine Batallion Landing Team 1 Operation Command na pinamumunuan ni Col Custodio Parcon.
Namataan ng mga kagawad ng Pura Detachment , Echo  Coy, 38 Cadre Battlion at ng  51st Marine Coy ang ilang palutang lutang na tao sa karagtang sakop ng Datu Blah Sinsuat kahapon ng umaga .

Kasalukuyang ngayong nas apanmgangalaga nG Municipal Mayor ng Datu Blah Sinsuat, Maguindnao ang mga biktima na kinilalang sina Kyan Dpho Loin, Tie Sieng Huang, Marthen Lukas, Aris Ariynto, Runji Bin Chew, Rate Jusuf, Fredy Nak Nain, Razali Bin Mok, Mulki, Inyoman Buda Atha, Sutomo at Capt. Zamroni Umur na siyang kapitan ng mga cargo vessel.

Sinasabing umalis ang mga biktima sa port of Miri, Sarawak, Malaysia noong Hulyo  24, 2012.  At nasabat ng mga pirate nitong Hulyo 27, 2012.

Base sa progress report na natangap ng AFP General Headquarters ay napag-alaman na ang 12 crew ay binubuo ng isang Myanmar National, limang nagmula sa Malaysia at anim naman mula sa indonesia.

A marine company obseved floating persons 3 miles fm their commd post, hence the rescue, ani Balutan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply