12,000 kawani ng DAR, magiging jobless

MAWAWALAN umano ng trabaho ang mahigit sa 12,000 kawani ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Hunyo 2014 sakaling matapos na ang Comprehensive Agrarian Reform Program ng Aquino administration.

Ito ay sinabi ni Gloria Almazan, lider ng DAR Employees Association sa kanyang pagharap sa budget hearing sa kamara.

Ayon kay Almazan, ang unang batch na binubuo ng 7, 500 ay tatanggalin sa Oktubre ngayong taon habang ang natitira ay sa Hunyo 2014.

Kaugnay nito nakiusap si Almazan na huwag nang ituloy ang balak ng pamahalaan lalo na at career employees ang mga ito.

Hindi rin  sila nagtitiwala sa pangako ni Budget Sec. Butch Abad na bibigyan ang mga ito ng retirement benefits at ililipat sa Department of Agriculture (DA) dahil  mayroon din sariling problema ang DA.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply