13-anyos nireyp, kinatay sa Cavite

CAVITE- Hinimatay sa pagkabigla ang ina ng 13-anyos na batang babae matapos na malaman nitong kinatay na parang baboy ang anak bago isinilid sa bakanteng nitso sa Maliksi Cemetery, Bacoor City, Cavite kahapon ng umaga.

Kinilala ni PSupt. Romano Cardiño, hepe rito ang biktima na si Joselle Asero, estudyante at residente ng Maliksi 3, ng nabanggit na lungsod, habang naaresto agad ang suspek na si Nilo Paz, 36, magbobote at kapitbahay ng biktima, sa loob ng kanyang bahay na puno pa ng dugo sa kamay at katawan.

Sa pahayag ni Barangay Chairman Nieto Toledo, dakong alas-11:00 ng umaga nang humahangos na nagtungo sa kanyang tanggapan sa barangay hall ang mga witness na sina Rick Sarmiento, supultorero, at Darwin Quillope upang isumbong ang nasaksihang krimen.

Nabatid na habang naglalakd umano si Darwin sa loob ng sementeryo na nakaugalian nang daanan ay nakita niya ang suspek na pigil-pigil ang biktima at nang umaalma ito ay pinagsasaksak na parang baboy sa leeg at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Narinig naman ni Sarmiento ang isang sigaw habang siya umano ay naglilinis ng mga damo at nang tingnan niya ay nakita niyang pinagsasksak ng suspek ang biktima bago isinalpak sa bakanteng lote sa pagitan ng dalawang nitso bago tinakpan ng linoleum.

Agad namang rumesponde si kapitan kasama si Renato Prieto at mga barangay tanod at nakita nila ang bangkay habang wala na ang suspek na agad namang itinuro ng witness ang bahay.

Dito na nakita ang suspek na nakatulala at puno ng dugo ang mga kamay, pantalon at T-shirt habang hindi umano malaman ang ginawa dahil sa pagka-high sa droga na agad pinosasan at isinuko sa pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply