13 barangay sa Makati City, tinututukan

MAHIGPIT na tinututukan ngayon ng Command Center ng Makati City Government ang labing-tatlong barangay sa lungsod na labis na napaektuhan ng matinding buhos ng ulan.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Barangay Cembo na madalas bahain tuwing umaapaw ang Pasig river habang tatlumpu’t limang pamilya na rin ang inilikas sa barangay Rizal.

Kaugnay nito, hindi na rin madaanan ng mga sasakyan ang anim na kalsada sa Barangay Pembo, binaha na rin ang siyam na kalsada sa barangay San Antonio.

Sa monitoring ng Makati City government, umabot na hanggang bewang ang baha sa Kamagong St habang abot sa apat na talampakan ang baha sa Barangay Palanan, samantalang labing-walong pamilya ang inilikas sa Bangkal.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply