14-anyos binatilyo, pinutulan ng daliri, tinahi ang bibig

PINAGTATAGA, pinutulan ng daliri, tinahi pa ang bibig.

Ito ang pahirap na dinanas ng isang binatilyo hanggang malagutan ng hininga sa kamay ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa ulat ng Batangas PNP.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, patay na nang matagpuan si Manuel Anacan, Jr., 14, sa loob ng isang culvert sa Barangay IV, bayan ng Santo Tomas.

Kinakitaan ang bangkay ng binatilyo ng mga palatandaan na dumanas ito ng torture.

“The body indicated signs of torture. He was hacked several times, his fingers were cut, and his lips were also sewn together,” ayon sa imbestigador.

Labis naman ang pagkasindak ng pamilya ng binatilyo at hindi makapaniwala sa kakila-kilabot na sinapit nito.

“Pinarusahan nang maigi, lahat ng pahirap ginawa. Tinaga, pinutulan ng daliri, tinahi ang bibig, di tao ang gagawa nun, demonyo ang gumawa nun sa kapatid ko,” pahayag ni Marites Paresa, kapatid ng biktima.

Aminado naman ang pamilya ng biktima na napasok ang binatilyo sa kung ano-anong gulo sa kanilang lugar dahil na rin sa kanyang kapansanan sa isip.

Sa kabila anila ng pagiging pasaway ng kapatid, hindi pa rin makatao ang sinapit nitong kamatayan.

Agad namang naglunsad ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang mga responsable sa karumal-dumal na krimen.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply