14 OFWs mula Syria, balik Pinas na

NAKABALIK na sa bansa ang isa pang grupo ng mga overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Damascus, Syria kagabi.

Ang panibagong batch na binubuo ng 14 na OFW ay dumating sakay ng Emirates flight EK 332 sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang mga dumating na OFWs ay nakabalik sa bansa sa ilalim ng repatriation program ng pamahlaan na sinalubong ni Overseas Worker Welfare Administration Chief, Carmelita Dimzon.

Dahil dito, umabot sa 2,079 na OFWs ang na-repatriate ng pamahalaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply