15-anyos na dalagita itinanan, binata kulong

HIMAS-REHAS ngayon ang isang binata at nahaharap sa kasong panghahalay matapos itanan ang 15-anyos na ka-textmate na dalagita.

Kinilala ang suspek na si Ryan, 23 ng Gulayan, Catmon, Malabon City.

Sa ulat, noong nakaraang Mayo ay naging textmate ng suspek ang dalagita, taga-Pampanga.

Nakumbinsi ng suspek ang dalagita na makipagkita sa kanya.

Ilang araw nawala ang dalagita sa kanilang bahay at nang makatanggap ng impormasyon ang mga magulang ng bata na sumama ang anak sa suspek sa Malabon City ay agad nila itong pinuntahan.

Dakong alas-2:00 kaninang ng madaling araw ay humigi ng tulong ang mga magulang ng dalagita sa barangay tanod ng Catmon at nang puntuhan ang bahay ni Ryan ay nakita ang dalagita.

Inamin ng dalagita na apat na beses na silang nagtabi ng suspek at dahil menor-de-edad ay inireklamo ng panghahalay si Ryan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply