15,000 kabataan dadalo sa pro-life chastity conference sa Setyembre

AABOT sa 15,000 kabataan at mga estudyante mula sa iba’t ibang colleges sa bansa at kalapit bansa ang inaasahang dadalo sa pro-life chastity conference na iasasagawa sa Setyembre sa World Trade Center sa Pasay city.

Ang nasabing conference na inorganisa ng CATALYST, isang student organization ng University of Asia and the Pacific (UA&P), na pangalawang serye ng Real Love Revolution ay sinuportahan naman ng Episcopal Commission on Family and Life of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)

Ang ‘Real Love Revolution 2012’ ay gaganapin sa September 1 mula ala-una ng hapon hanggang alas-singko ng hapon. Tampok sa nasabing conference ang dalawang “powerful speakers” mula sa grupong Jason Evert at mga kilalang pro-life and chastity speakers na si Leah Darrow at Chris Stefanick.

Si Leah Darrow, ay isa sa finalists ng ikatlong season ng popular na American reality show na “America’s Next Top Model.” Sesentro si Darrow sa forgiveness, true love at ability to change one’s life in her presentation, ayon sa CATALYST.

Samantala, si Stefanick na kasalukuyang director ng Youth Young Adult and Campus Ministry ng Archdiocese of Denver,Colorado ay isa ring guitarist at songwriter at sa pamamgitan ng kanyang mga talento ay ipinararating ang kabuluhan ng salita ng Diyos.

Nagiging inspirasyon din sa mga kabataan sa buong mundo ang kanyang masiglang presentasyon para sa mas malalim pang pagmamahal kay Hesus Kristo.

Ayon sa CATALYST, ang malilikom na pondo sa nasabing programa ay mapupunta sa mga proyekto ng grupo at sa mga nasalantang biktima ng nagdaang kalamidad.

Ang mga interesanteng na dumalo at para sa mga iba pang impormasyon sa nasabing okasyon ay maaring tumawag sa mga organizer nito sa mga numero 637-09-12 local 277 o 0908-864-84-91.

Maaari ring magpadala ng email sa realloverevolution2012@gmail.com. Ang opisyal na website  sa nasabing okasyon www.reallove2012.webs.com.

Maliban sa World Trade conference ay magkakaroon din ng advance conference sa University Theatre sa University of the Philippines (UP)-Diliman Campus sa August 31, 2012 mula ala-1  hanggang alas-5  ng hapon .

Inorganisa naman ang konperensya sa UP ng Youth for the Family—Paref Woodrose School Chapter sa kooperasyon naman ng University of Asia and the Pacific Center for Responsibility.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply