16 kalsada, 3 tulay ‘di pa rin madaanan

DALAWANG linggo matapos ang pananalasa ng hanging Habagat sa National Capital Region (NCR) at mga aratig lalawigan, 16 kalsada at tatlong tulay pa ang hindi madaanan ng mga sasakyan.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council sa kanilang 5:00 a.m update ngayong Biyernes, hindi pa madaanan ang ilang kalsada sa Central at Southern Luzon, Cordillera at sa Metro Manila.

“[Some] roads in Zambales, Pampanga, Bataan, Laguna and Muntinlupa City are still flooded and not passable to all types of vehicles while the flooding in the roads of Taguig City continues to subside.”

Ayon pa sa ulat, hindi rin madaanan ng sasakyan ang ilang tulay at kalsada sa Bataan.

Tinatayang 58 lungsod naman at bayan sa Metro Manila, Central at Southern Luzon ang apektado pa rin ng baha.

“There are new reports of flooding in some Barangays in the cities of Valenzuela, Taguig, Pasig and Malabon in the National Capital Region; Bacolor and Calumpit, Bulacan; and in Lubao in Pampanga while the flood in San Juan and Porac had already subsided.”

Naapektuhan ng hagupit ng Habagat ang may 934,285 pamilya o 4,236,151 katao sa may 2,634 barangay sa 175 na bayan at 36 na lungsod sa 17 probinsiya.

Nasa 656 evacuation centers pa rin ang 48,784 pamilya o 212,632 katao.

Samantala, umakyat na sa 109 ang nasasawi habang 14 naman ang naitalang nasugatan

Tinatayang P3,055,845,281.72 naman ang nasirang ari-arian kasama na ang P651,362,230 sa imprastraktura at P2,404,483,051.72 sa agrikultura.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply