Bigcas natiklo sa illegal drag race sa CDO

MATAPOS masangkot sa dalawang malalaking kaso nitong nakaraang taon, sa iligal na pakikipagkarerahan ng motorsiklo o drag race naman natiklo ang kontrobersyal na si Leonard Allan Bigcas sa Cagayan de Oro City kaninang madaling araw.

Sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na kabilang si Bigcas sa nakikipagkarerahan sa pangunahing kalsada sa lungsod nang maaresto ito dakong alas-3:00 ng madaling araw.

“Nakaengkwentro namin ang nagda-drag race mga big bikes… may isang bike na sumemplang diretso sa harapan namin. Nang i-confront ko ang driver dahil natumba, asking him if they have authority to hold a drag race at the main road, sabi sa akin, wala silang authority. Nagpakilala agad siya na si Allan Bigcas,” pahayag ni PDEA Region 10 director Roberto Opeña.

Nasangkot si Bigcas sa pagii-smuggling ng luxury cars at motorcycles. Bukod pa rito, inaresto rin ito sa kasong illegal possession of firearms at ammunition nito ring nakaraang taon.

Kabilang sa nakumpiska rito noong 2011 ay isang $80,000 custom motorcycle na sinasabing ninakaw umano mula sa Hollywood scriptwriter na si Skip Woods.

Sinabi ni Opeña na walang maipakita si Bigcas ng driver’s license, kahit na sinabi nitong kanya ang minamanehong motorsiklo.

Pero habang sila ay lumapit sa sasakyan ni Bigcas, tinangka nitong kunin ang Baby Armalite rifle nito sa kanyang kotse pero kaagad naman nilang nakuwelyuhan ito.

“Kilala natin si Bigcas, nakikipagsabayan yan, nakikipagbarilan ‘yan. Inimbita namin sa office,” pahayag ni Opeña.

Ayon pa kay Opeña, nakuha rin nila ang isang sachet ng hinihinalang shabu sa pag-iingat ni Bigcas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply