Schedule ng biyahe ng LRT Line 1, Line 2

SA kabila ng walang tigil na pagbuhos ng ulan na dulot ng hanging habagat, tiniyak ng pamunuan ng Light Railway Transit Authority (LRTA) na magpapatuloy ang kanilang operasyon.

Pinaalalahanan naman ng pamunuan ng LRTA ang schedule ng biyahe ng train kung saan ang LRT Line 1 at Line 2 ay hanggang alas-9 ng gabi ang alis sa Roosevelt habang ang alis naman ng Line 2 sa Recto LRT 2 ay alas-10 ng gabi. Ang huling train naman mula North Avenue (MRT 3) ay aalis ng alas-10 ng gabi at huling train na aalis sa Taft Avenue (MRT 3) ay alas-10:30 ng gabi.

Ayon kay LRTA spokesman Atty. Hernando Cabrera, magpapatuloy ang serbisyo ng LRT Line mula Baclaran hanggang Roosevelt at ang Line 2 mula C. M. Recto hanggang Santolan habang magsisilbi rin sa mga pasahero ang Metro Rail Transit (MRT) mula Taft-EDSA hanggang North
Avenue sa Quezon City.

Gayunman, sa oras aniyang maputol ang supply ng kuryente o nagkaroon ng problema sa riles, ipapasiya nilang itigil ang operasyon lalu na’t magiging mapanganib para sa mga pasahero ang magpatuloy pang sumakay sa pinakamabilis at pinakamurang uri ng pampublikong transportasyon.

 

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply