Bangkay ng lalaki naiahon sa pumping station sa Maynila

LAPNOS na ang balat ng bangkay ng isang lalaki nang maiahon ito sa isang pumping station sa Quiapo, Maynila kagabi.

Ayon kay Joselito Gatapia ng Metro Manila Development Authority (MMDA) Flood Control , nagtatanggal ng basura ang kanilang mga tauhan sa pumping station sa Palanca St., na nagmumula sa mga estero .

Kasama, aniyang, naiahon ang bangkay ng isang lalaki sa mga basura kung saan nakasuot ito ng maong ,t-shirt at relo.

Nabatid na nagmumula ang agos ng tubig sa estero ng Recto at Malacanang kaya hindi pa mabatid kung saan nagmula ang bangkay ng biktima.

Inaalam din ng awtoridad kung nalunod ito o itinapon sa ilog.

Hinihinalang ilang araw na rin itong patay dahil lapnos na ang balat nito at malambot na ang bangkay dahil sa pagkababad sa tubig.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply