1,793 pamilya nakinabang sa relief operation ng DepEd

AABOT sa 1,793 pamilya ang nakinabang sa isinagawang relief operation ng Department of Education na nanggaling naman sa mga kinalap na goods and cash donation ng ahensiya.

Ayon kay DepEd Secretary Br. Armin Luistro ang nasabing mga pamilya ay mula sa 10 evacuation centers na lubhang naapektuhan ng mga pagbaha dahil sa “Habagat.”

Matatandaan na nangalap ng cash at goods ang DepEd Disaster Risk Reduction Management Office bilang pakikiisa sa hakbangin ng pamahalaan na tulungan ang mga naapektuhan ng pagbaha.

Ang DepEd volunteers sa tulong ng Armed Forces of the Philippines Reserved Command ang siyang unang lumusong sa mga baha pang lugar para mamahagi ng relief sa mga evacuee mula sa Gulod Elementary School, Gulod National High School, North Marinig Elementary School at Butong Elementary School sa Cabuyao, Laguna.

Namahagi rin ang ahensiya sa Napindan Elementary School sa Taguig at  San Joaquin Elementary School sa Pasig, evacuees sa Calumpit National High School, Northville 9 Elementary School, San Marcos Elementary School at Calumpit Elementary School sa Calumpit, Bulacan.

Pinasalamatan naman ng DepEd ang mga indibidwal at grupo na nagpadala ng donasyon at kasabay ng pahayag na patuloy pa rin ang kanilang pangangalap ng tulong hanggang sa August 23, 2012 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi sa DepEd complex, Meralco Ave, Pasig City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply