18 pamilya inilikas sa Iloilo dahil sa baha

TINATAYANG 18 pamilya ang lumikas sa Project 5 at 6 sa Sooc, Arevalo, Iloilo City makaraang bahain bunsod ng malakas na pagbuhos ng ulan kagabi.

Nabatid na dinala ang mga naturang pamilya sa covered gym ng barangay matapos umabot sa hanggang beywang ang tubig.

Dahil dito, kinansela ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog ang klase sa Severo Abeto Elementary School, Interfaith Christian Academy sa Oton, Iloilo; Central Elementary School at Napnud Elementary School sa Leganes, Iloilo at Leonora Salapantan National High School sa Poblacion, San Miguel, Iloilo.

Kanselado rin ang klase sa elementary at high school sa bayan ng Pavia at Anilao, Iloilo dahil sa masamang panahon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply