182 kongresista nahilot ni PNoy sa RH bill

TINATAYANG 182 kongresista ang nahilot ni Pangulong Benigno Aquino III para paboran ang isinusulong na Responsible Parenthood Bill.

Ang nasabing bilang ay nakiisa kanina sa ipinatawag na multi-party caucus ng Pangulong Aquino na kinabibilangan ng majority at minority members ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“The President echoed the view that the Responsible Parenthood measure had been discussed thoroughly over the past several years and expressed his desire that Congress move on to the next step in the legislative process,” ang nakasaad sa kalatas na ipinalabas ng tanggapan ng Office of the Presidential Spokesperson.

Pinagsamang pro at anti-RP bill ang dumalo sa caucus.

Nakasaad pa rin dito na ipinahayag ng Punong Ehekutibo ang kanyang opinyon sa RP BIll kung saan ay nagkaroon anya ng maayos na talakayan ang Pangulong Aquino sa mga mambabatas na may iba’t ibang pananaw at posisyon sa usapin.

“All sides were heard and considered. Even minority Congressmen and those opposed to the measure were given the opportunity to air the side,” ang nakasaad pa rin sa kalatas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply