19 kumpirmadong patay – NDRRMC

UMAKYAT na sa 19 ang patay sanhi ng malawakang pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan, ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Benito Ramos.

Sinabi ni Ramos na beniberipika pa ang mga pangalan ng tatlong nadagdag na nasawi.

Samantala, pweresahang inilikas na naman ang mga residente na malapit sa Marikina River matapos na tumaas sa 20.6 M ang level ng tubig kaninang alas 3 ng umaga dulot ng patuloy na malakas na buhos ng ulan kagabi.

Mistulang ilog na ang Tomana sa Marikina sa kasalukuyan. Umabot na rin hanggang third floor ang tubig baha sa mga lugar malapit sa Marikina River.

Nahihirapan din ang mga rubber boat ng mga rescuer dahil sa lakas ng agos ng tubig.

Samantala, nanawagan ng tulong na pagkain at tubig ang mga residente sa tatlong barangay sa San Mateo, Rizal. Ang mga apektadong residente ay nagsabing wala silang evacuation center.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply