19 lugar sa Luzon, nagdeklara ng state of calamity

NAGDEKLARA na ng state of calamity sa 19 lugar sa Luzon dahil sa malawakang pagbaha dulot ng habagat.

Kasama sa mga nagdeklara na ng state of calamity ay ang:

1. Bataan
2. Laguna
3. Pampanga
4. Zambales
5. Rodriguez, Rizal
6. San Mateo, Rizal
7. Cainta, Rizal
8. Valenzuela
9. Malabon
10. Bulacan
11. Olangapo City
12. Cavite
13. Navotas
14. Marikina
15. Maynila
16. San Juan
17. Pasay
18. Pasig
19. Pateros

Sa ilalim ng state of calamity, maaring magamit ang emergency funds para sa pagtulong sa apektadong pamilya at pagpapabilis sa rehabilitasyon sa mga lugar na naapektuhan.

Samantala, aminado naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na posibleng maulit ang trahedya nang humagupit ang bagyong Ondoy noong Setyembre 2009.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos, ito ay kung magpatuloy ang pag-apaw ng mga ilog partikular ng Marikina River bunsod ng walang tigil na ulan.

Sinabi ni Ramos, na maliban sa Barangay Tumana, Marikina at Provident Village, Cainta, Rizal ay maari ring maapektuhan ng baha ang mga lugar na malapit sa Marikina River.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply