1M overseas absentee voters pinangangambahang ‘di maabot

POSIBLENG hindi maabot ng Commission on Elections (Comelec) ang target na isang milyong Overseas Absentee Voters sa buwan ng Oktubre.

Ayon kay Comelec Commissioner Lucenito Tagle, Chairman ng Committee on Overseas Absentee Voting, base sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), nadagdagan lamang ng mahigit 212,000 overseas Filipino workers ang nakapagpatala sa Overseas Absentee Voting (OAV).

Sa kanilang pagtataya, aabot lamang sa 850,000 ang magpaparehistro sa Overseas Absentee Voting para sa 2013 midterm elections.

Nagsimula ang OAV registration noong Nobyembre 2011 at magtatapos sa ng Oktubre 31, 2012.

Kaugnay nito, umani nang batikos mula kay Sen. Franklin Drilon ang Comelec at DFA kaugnay ng implementasyon ng OAV law sa mga nakaraang halalan.

Ayon kay Drilon, sa kabila ng milyon-milyong pisong ginastos ng pamahalaan sa pagpapatupad nito ay mistulang hindi naging makabuluhan ang naging resulta.

Tinukoy ni Drilon ang mismong ulat ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na mula sa 589,000 registered voters sa abroad noong 2010, hindi man lamang umabot sa kalahati ang bomoto sa nakaraang 2010 presidential elections na umabot lang sa 153,323.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply