2-3 pang bagyo papasok sa bansa ngayong Agosto

MATAPOS sumilip na ang Haring araw nitong dalawang magkasunod na araw, pinayuhan naman kaninang umaga ng state weather forecasters ang publiko na huwag maging kampante dahil may 2 hanggang 3 pang bagyo ang magpapaigting ng Hanging Habagat at magdadala ng mga malakas na pag-ulan ngayong buwan.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na malaki ang tiyansa na ang cyclones ay may kaparehong epekto ng Habagat tulad ng cyclone “Gener” (Saola) at “Haikui.”

“Inaasahan natin 2-3 bagyo sa buwang ito. Huwag ibaba ang guard, ang naranasan natin noong ilang araw mararanasan sa susunod na araw pa,” pahayag ni PAGASA forecaster Jori Loiz.

Sa kabila naman ng magandang panahon, ilang lugar sa Luzon at Western Visayas ang nananatiling nakararanas ng mga pag-ulan at pagbaha kaya napilitan na suspindehin ang trabaho at klase.

Ang tropical cyclone Gener ang unang nagpalakas ng epekto ng Habagat at nagdala ng pag-ulan sa ilang parte ng bansa.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may 53 katao ang namatay sa pagbayo ng Gener.

“Marami pa tayong inaasahang bagyo na pwedeng magpalakas sa Habagat),” dagdag pa ni Loiz.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply