2 apple pabaon sa sinibak na hepe ng QCPD-DAID (2)

ITULOY natin ang pagtalakay sa hulidap sa droga ng Quezon City Police District District Anti-Illegal Drugs (DAID) na pinamunuan ni Supt. Richard Ang.

Biyernes ay ibinigay umano ng mga magulang  ng dalagang biktima ang napagkasunduang P150,000 at  tulad ng ginawa sa kanyang BF ay sa barracks na sila nag-abutan na ayon sa ating source, mismong  si PO3 Jovert Garcia ang tumanggap ng P150,000 mula sa dalaga.

Ang masakit sa  pamilya ng dalaga ay hindi umano  nasunod ang kanilang naging kasunduan na kapag naibigay na ang halagang P150,000 ay ma re-release na ang babae dahil  ayon  umano kay Garcia ang nasabing halaga ay kabayaran lang dahil napababa umano nila ang kaso ng dalaga na  Sec. 5 o pushing na napunta na lang sa Sec. 11 o user.

Sinasabing itong si Garcia na umano’y tagaayos o areglo ng  QCPD-DAID ay sinasabing siya rin umano ang tumanggap sa dalawang mansanas na ibinigay ng mga magulang ng lalaking  naaresto kasama ang kanyang syota.

Pangulong Noynoy, nasaan na ang sinasabi mong matuwid na daan, ano na ang nangyari sa mga daan na ‘yun?

Saludo ako kay QCPD Director Gen. Mario Dela Vega, dahil siya lang ang  naglakas-loob na sibakin  sa pagiging hepe ng DAID itong si Col. Ang.

Sana nga lang ay huwag na itong pahawakin pa ng puwesto lalo na ang mga operating unit na alam naman natin na pinagkakakitaan din ng malaki ng mga pulis.

Si Col. Ang ay sinibak ni Gen. Dela Vega matapos umanong ma-katakas ang 3 preso na parehong no bail ang kaso ngunit bago ito tuluyang umalis sa DAID ay nakakuha pa ng dalawang mansanas na  baon nang maaresto ang mag- syota.

Gen. Dela Vega, sir, ngayong bago na ang hepe ng QCPD-DAID ‘di ba mas maganda kung aalisin n’yo  ang lahat ng tao ni Col. Ang, dahil pag nanatili pa ang mga  ito riyan ay parang wala pa ring nagbago sa unit. Kawawa lang ang  magiging hepe dahil gagawa at gagawa pa rin ang mga yan ng pagkakaperahan lalo na itong si Garcia.

Bukas po ang Lily’s files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento. Mag-text lang po sa 09155683000 at 09087230036 o kaya ay mag- email lang salpr_2012@yahoo-.com.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply